Pangulong Marcos, bibiyahe sa Indonesia, Singapore

President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. attended the 15th Philippine National Health Research System Week celebration in Clark, Pampanga on Thursday (August 11, 2022).
STAR/KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Ngayong Linggo (Setyembre 4) ay nakatakdang umalis si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para magtungo sa Indonesia at Singapore.

Unang pupuntahan ng Pangulo sa kanyang state visit ang Indonesia base na rin sa imbitasyon ni Indonesian President Joko Widodo.

Sa inilabas na press release ng Department of Foreign Affairs (DFA), mananatili ang Pangulo sa Indonesia ngayong Set­yembre 4-6, 2022.

Inaasahang tatalakayin sa meeting ng dalawang lider ng  bansa ang defense, maritime, border, economic, at people-to-people coope­ration at magpapalitan din sila ng mga pananaw sa mga pangunahing isyu na nakakaapekto sa rehiyon at mundo.

Ang Indonesia, ang pinakamalaking ekono­miya sa Timog-silangang Asya, ang kasalukuyang Pangulo ng G20, isang strategic multilateral grouping ng mga major developed at emerging economies.

Pagkatapos nang pagbisita sa Indonesia, tutungo ang Pangulo sa Singapore para sa isang State Visit mula ika-6 hanggang ika-7 ng Setyembre sa imbitasyon ni Pangulong Halimah Yakob.

Magkakaroon ng magkahiwalay na pagpupulong si Marcos at Pangulo ng Singapore at Prime Mi­nister Lee Hsien Loong upang talakayin ang bila­teral relations sa pagitan ng dalawang bansa at mga regional at global issues.

Masasaksihan din nina Marcos at Lee ang paglagda ng mga kasunduan sa mga larangan ng counter-terro­rism at data privacy.

Dahil ang Singapore ay isang key trade at investment partner ng Pilipinas, isang economic briefing at business roundtable meetings­ ang isasagawa kung saan inaasahang mang­hihikayat ang Pa­ngulo ng mga investments sa Pilipinas upang lumikha ng mas maraming oportunidad at trabaho sa bansa.

Show comments