^

Police Metro

2 online scammer tiklo sa entrapment

Danilo Garcia - Pang-masa
2 online scammer tiklo sa entrapment
Sa ulat, bago naaresto ang dalawa sa Montojo Street, Brgy. Tejeros, Makati City, alas-10:00 ng gabi ay unang na-hack ng mga ito ang social media account ng isang Anie Montillia Durango at ginamit ang mga sensitibong impormasyon niya para mangotong ng pera.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang lalaki at isang babae na sangkot umano sa panggagantso sa pamamagitan ng internet ang nadakip sa isang entrapment operation sa Makati City, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Mark Joseph Tablann, 28 at Sittie Diamon Taurac, 26. 

Sa ulat, bago naaresto ang dalawa sa Montojo Street, Brgy. Tejeros, Makati City, alas-10:00 ng gabi ay unang na-hack ng mga ito ang social media account ng isang Anie Montillia Durango at ginamit ang mga sensitibong impormasyon niya para mangotong ng pera.

Dito dumulog sa PNP-Criminal Investigation Detection Group ang biktima at kasama ang mga tauhan ng Makati City Police ay nagkasa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawa.

Nabatid na miyembro rin ang mga suspek ng Aya Criminal Group na tanyag sa panloloko at pang-i-scam  sa katimugang bahagi ng Metro Manila.

Ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 293 (Robbery Extortion), Article 286 (Grave Coercion), Article 282 (Grave Threats) at RA 9995 (Anti Photo and Video Voyeurism Act).

ONLINE SCAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with