^

Police Metro

Pagtaas sa P4 presyo ng bigas sa Oktubre, nagbabadya

Angie dela Cruz - Pang-masa
Pagtaas sa P4 presyo ng bigas sa Oktubre, nagbabadya
Ang delay ng pagkakaloob ng ayuda sa bawat magsasaka na P5,000 cash aid ay tumaas ang presyo ng input sa mga sakahan na ugat ng pagtataas ng presyo ng bigas.
The STAR / Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Nagbabala ang grupo ng mga magsasaka na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na inaasahan ang P3 hanggang P4 na taas-presyo ng bigas sa buwan ng Oktubre.

Ito anya ay dahil hindi naibigay ng pamahalaan sa mga palay farmers ang cash aid na gagamitin sana sa panahon ng pagtatanim.

Ang delay ng pagkakaloob ng ayuda sa bawat magsasaka na P5,000 cash aid ay tumaas ang presyo ng input sa mga sakahan na ugat ng pagtataas ng presyo ng bigas.

Nilinaw naman ng Department of Agriculture­ (DA) dahil kulang sa reki­sitos na kailangan para ma­ipalabas ang pondo sa mga magsasaka kaya’t hindi naibigay sa tamang oras ang cash aid.

Sinasabing ang require­ment lamang ng Landbank­ ay ang magkasamang magpapalitrato ang mga tauhan ng DA sa mga magsasaka at hindi naibigay ang laarwan dahil walang photographer ang DA noong panahong iyon.

Nangako si DA Undersecretary Domingo Panga­niban na pabibilisin ang gagawing pamamahagi ng ayudang pondo sa mga magsasaka.

RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with