^

Police Metro

Mga manggagawa, magsasaka tinawag na makabagong bayani ni Marcos

Malou Escudero - Pang-masa
Mga manggagawa, magsasaka tinawag na makabagong bayani ni Marcos
Sa kanyang talumpati sa paggunita ng National Heroes’ Day sa Libi­ngan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City,sinabi ni Marcos na naging mas mabuti ang kalagayan ng bansa sa ngayon dahil sa mga makabagong bayani ng ating panahon.
Philstar.com / File Photo

MANILA, Philippines — Tinawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makabagong bayani ng kasalukuyang panahon ang mga magsasaka at manggagawang Pinoy.

Sa kanyang talumpati sa paggunita ng National Heroes’ Day sa Libi­ngan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City,sinabi ni Marcos na naging mas mabuti ang kalagayan ng bansa sa ngayon dahil sa mga makabagong bayani ng ating panahon.

“Sa araw na ito, pinararangalan natin ang ating mga makabagong bayani ng ating panahon dahil sa kanilang malasakit at kabutihang loob naging mas mabuti ang kala­gayan ng ating bansa ngayon,” ani Marcos.

Sinabi rin ni Marcos na ang mga magsasaka at mga agricultural workers na buong araw ay nagsisikap upang matugunan ang pa­ngangailangan para sa seguridad sa suplay ng pagkain.

Pinasasalamatan din ni Marcos ang mga sektor ng kalakalan at industriya na nangunguna aniya sa landas tungo sa maunlad na ekonomiya.

Sinabi rin ni Marcos na ikinararangal din ng bansa ang mga manggagawang Pilipino na nagtatrabaho ng buong husay at dangal.

Sa simula ng kanyang mensahe ay kinilala rin ni Marcos ang mga bayani ng bayan dahil sa kanilang ipinamalas na tapang, malasakit at pag ibig sa ating tinubuang lupa.

FARMER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with