Walk-in bawal na sa pagbibigay ng education aid – DSWD
MANILA, Philippines — Hindi na magbibigay ng education assistance ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mahihirap na mag-aaral sa bansa lalo na sa Metro Manila na magwo-walk in.
Kaya’t ipinayo ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na sa mga nais makakuha ng cash assistance ay kailangang mag-register sa https://bit.ly/3dB9mSg o mag email sa [email protected].
Ang aplikante anya ay maaaring tingnan ang DSWD website at social media accounts para sa mga katanungan at ibang mga detalye para dito.
Malaki ang paniwala ni Tulfo na ang mga kalituhan sa nagdaang sistema ng payout ang nagbukas sa kanilang gamitin ang digital system sa pamamahagi ng ayuda.
Anya, ang mga aplikante ay tatanggap ng text message mula sa DSWD para malaman kung saan ang kanilang payout sites.
Makaraang suspendihin muna ang pamamahagi ng cash aid sa mga mag-aaral noong nagdaang Sabado dahil sa dumagsang mga tao, muling magsisimulang mamahagi ng ayuda ang DSWD para dito sa darating na Sabado.
Isang memorandum of agreement ang nilagdaan ni Tulfo at Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos para magtulungan sa pamamahagi ng educational assistance sa mga mag-aaral.
- Latest