MANILA, Philippines — Upang labanan ang laganap na ‘sexual exploitation’ sa mga kabataang Pilipino gamit ang Facebook at TikTok platform ay itinakda ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pakikipagpulong sa nasabing social media firm na may tanggapan sa bansa.
Ayon kay Remulla na sila na mismo ang dudulog sa mga social media companies at maging ang mga ‘internet service providers’ at iba’t ibang telecommunication companies para hingiin ang kanilang kooperasyon laban sa naturang krimen para ma-filter o masala ang mga naipalalabas na online content.
Paliwanag ng kalihim na dumadaan muna sa mga ISP, telcos at maging sa mga social media management ang mga content na may kinalaman sa pang-aabuso sa mga bata kaya mahalaga ang kanilang tulong sa paglaban dito.