Dahil sa bagyong Florita, Marcos sinuspinde ang pasok sa gobyerno, klase sa Metro Manila at 6 lugar

Parents and students of Fortune Elementary School in Marikina City brave heavy rains on the second day of in-person classes on Aug. 23, 2022.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suspensyon sa tanggapan ng gobyerno at pam­publikong paaralan kahapon, Martes (Agosto 23) hanggang nga­­yong araw (Agosto 24) dahil sa ma­tinding Tropical Storm Florita.

Ayon kay Press Secretary Trixie Angeles, si­mula kahapon, Agosto 23, walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampublikong eskwelahan sa National Capital Region, Cavite, Laguna, Rizal, Bu­lacan, Zambales at Ba­taan hanggang bukas, Agosto 24.

Ang pagsuspinde ng Pangulo ay base na rin sa rekomendasyon ng Office of Civil Defense.

“The heavy rains pose possible risks to the ge­neral public based on the recommendations of the Office of Civil Defense,” ang nakasaad sa kalatas na ipinalabas ni Angeles.

Ang kahalintulad na hakbang para sa mga pribadong eskuwelahan at tanggapan ay ipinauubaya na ng Malacañang sa diskresyon ng kanilang pinuno.

Hindi naman kasama rito ang mga frontline agencies na nagbibigay ng emergency services.

Ang rekomendasyong suspensyon ay naglala­yong pigilan ang anumang hindi kaaya-ayang insidente at matiyak ang kaligtasan ng general public.

Show comments