^

Police Metro

Pagkamatay ng Tiamzon couple sa Samar clash bineberipika ng AFP

Doris Franche - Pang-masa
Pagkamatay ng Tiamzon couple sa Samar clash bineberipika ng AFP
Benito at Wilma Tiamzon
STAR / File

MANILA, Philippines — Kasalukuyang bineberipika ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung kasama sa mga napatay ang mag-asawang sina CPP-NPA-NDF chairman Benito at Wilma Tiamzon nang sumabog ang motorboat nang maka-engkuwentro ang tropa ng pamahalaan sa Catbalogan, Samar kahapon ng madaling araw.

Ayon kay AFP chief-of-staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro, inaalam pa nila ang ulat sa 8th Infantry Division na pinamumunuan ni Maj. Gen. Edgardo de Leon na may hurisdiksiyon sa lugar.

Nabatid naman kay De Leon, nangyari ang sagupaan sa northern at tri-boundary ng Samar at Eastern Samar na ginagamit na lagusan ng mga NPAs, alas-4:25 ng madaling araw.

Namataan ng crew  ng scout boats gamit ang night vision goggles (NVGs) ang kahina-hinalang motorboat.

Pinigilan ito ng mga military personnel, subalit tuloy pa rin sa pagtakas hanggang sa paputukan ang mga otoridad.

Dito na gumanti ng putok ang mga otoridad at posibleng may sakay na mga pampasabog ang motorboat ng mga tero­rista na naging dahilan ng pagsabog.

Base sa kanilang natanggap na report, may dalang mga kahon na NPA materials ang motorboat na kasama sa pagtakas.

AFP

BENITO TIAMZON

WILMA TIAMZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with