Gunman na aarestuhin nanlaban sa mga pulis, napatay

Batay sa ulat, alas-3:00 ng madaling araw ay tinungo ng mga pulis ng Quezon City Police District (QCPD)-Station 14 ang bahay ng suspek na si Django Francisco sa Brgy. Pasong Tamo upang arestuhin dahil sa reklamo ng isang babae, 32-anyos na kanyang binaril.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang lalaking suspek sa pamamaril sa isang babae nang manlaban sa mga aarestong pulis kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Batay sa ulat, alas-3:00 ng madaling araw ay tinungo ng mga pulis ng Quezon City Police District (QCPD)-Station 14 ang bahay ng suspek na si Django Francisco sa Brgy. Pasong Tamo upang arestuhin dahil sa reklamo ng isang babae, 32-anyos na kanyang binaril.

Subalit sa halip na sumuko ay nanlaban umano ito at nakipagbarilan sa mga aarestong pulis na gumanti ng putok at napatay ang suspek.

Nauna rito, binaril umano ng suspek ang biktimang babae na hindi na pinangalanan sa labasan sa kanilang lugar sa Brgy. Culiat, alas-10:00 ng gabi kamakalawa.

Masuwerte namang nakaligtas ang babae at agad na nagsumbong sa mga pulis kaya’t agad na nagkasa ng follow-up ope­ration para ito ay hulihin.

Ayon sa biktima, matagal na silang pinagbabantaan ng suspek at malaki ang hinala nila na ito rin ang posibleng bumaril at pumatay sa kanyang kapatid noong Hun­yo sa Brgy. Old Balara.

Narekober mula sa suspek ang dalawang baril na hindi pa batid ang kalibre na kung saan batay sa record ng pulis­ya, apat na insidente ng pamamaril ang kinasangkutan nito at sinasabing sangkot din umano sa ilegal na droga.

Show comments