^

Police Metro

74-anyos lola nagtapos ng elementarya sa Navotas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Papuri ang natatamasa ngayon ng isang 74-anyos na lola dahil ipinakita nitong determinasyon para makapagtapos sa elementarya sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) sa lungsod ng Navotas.

Sa isinagawang ­graduation ng ALS, binati ni Navotas City Rep. Toby Tiangco na personal na dumalo sa seremonya ang lolang si Urbana Señal Navarrete at iba pang nagsipagtapos.

“Saludo tayo kay Nanay Urbana at sa mga kasama niyang ALS ­graduates dahil hindi na­ging hadlang ang edad, kata­yuan sa buhay, o iba pang hamon at pagsubok para sila ay magsikap na makapagtapos sa pag-aaral at ikinararangal namin ang inyong pagpupursigi,” talumpati ni Tiangco sa harap ng mga nagsipagtapos.

Samantala, nakiisa rin si Navotas City ­Mayor John Rey Tiangco sa isinagawang Brigada Pagbasa ng mga mag-aaral ng Kapitbahayan Elementary School.

Ang programa ay naglalayong hikayatin ang mga kabataang mag-aaral sa lungsod na mawili sa pagbabasa.

 

 

ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with