Estudyante may libreng sakay sa LRT-2

Aarangkada sa Agosto 22

MANILA, Philippines — Aarangkada ang li- b­reng sakay para sa mga mag-aaral sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) simula Agosto 22 hanggang Nob. 5.

Sa isang briefing ng Laging Handa nitong Miyerkules, sinabi ni Light Rail Transit Authori­ty (LRTA) Administrator Hernando Cabrera na ang free ride program ay direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang tulungan ang mga estudyante sa kanilang pagbalik sa mga silid-aralan.

Para ma-avail ang programa, sinabi ni Cabrera na kakailanganin lamang ng mga estudyante na ipakita ang kanilang school identification (ID) o patunay ng enrollment sa LRT-2 passenger assistance center kung saan bibigyan sila ng single-journey ticket.

“After that babalik na po tayo doon sa normal na 20 percent discount para sa ating mga estudyante,” ani Cabrera.

Pinaalalahanan niya ang mga mag-aaral at iba pang riding public sa patuloy na pagpapatupad ng Co-vid-19 safety protocols tulad ng temperature checks, mandatoryong pagsusuot ng face mask, physical distancing, at pag-iwas sa pagkain at pagsasalita habang nasa loob ng tren.

Una nang sinabi ng Department of Education (DepEd) na magsisimula ang school year 2022-2023 sa Agosto 22 at dahan-dahang lilipat sa limang araw na in-person na klase sa Nob-yembre 2. 

Show comments