^

Police Metro

Government emergency vehicles lang ang libre sa toll fee -- TRB

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pawang mga emergency vehicles lamang ng gobyerno na may official business ang exempted sa toll fee.

Ito ang inihayag ni Toll Regulatory Board (TRB) spokesman Julius Corpuz bilang reaksiyon sa report na isang private firetruck na nagresponde sa isang sunog sa Bulacan ay pinagbayad ng toll fee nang dumaan sa North Luzon Expressway (NLEX).

Sinabi ni Corpuz na ang mga exempted lamang sa pagbabayad ng toll fee sa expressways ay mga govern­ment vehicles na emergency vehicles tulad ng public ambulances; firetrucks; clearly marked vehicles ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Bureau of Jail Management and Penology; clearly marked Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board impounding vehicles.

Anya, ang mga nabanggit ay dapat nasa kanilang official business at dapat magpapakita ng kanilang official trip ticket  sa toll booths.

Niliwanag naman ni Corpuz na bagama’t ang mga private emergency vehicles ay hindi exempted sa toll fees, ang toll operators naman ay nagbibigay sa kanila ng  leeway para gamitin ang expressways ng libre.

Anya, upang masolusyunan ang ganitong sitwasyon ay kailangang abisuhan ng mga toll operators ang kani­lang mga empleyado sa toll lanes na payagan ang mga emergency vehicles public man o pribado para makadaan ng expressways ng libre.

Noong nagdaang linggo, isang trak ng bumbero ng Marikina Filipino-Chinese Fire Brigade Volunteers ang reresponde sa isang sunog sa Calumpit, Bulacan ang pinahinto sa NLEX Mindanao toll plaza at pinagbayad. -

TOLL FEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with