MANILA, Philippines — Kinondena ng electricity consumers, sa pangunguna ng Power for People Coalition (P4P) ang sky-high power rates na binabayaran ng mga residente ng Ilocos Norte at Ilocos Sur bagama’t ito ang tahanan ng Bangui Windmills, na pinagtibay bilang simbolo ng kampanya ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ang mga residente ng Ilocos Norte na pinagseserbisyuhan ng Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC), ay nagbabayad ng aabot sa P16.767 kada kilowatthour, habang ang Ilocos Sur residents na kumukuha ng elektrisidad mula sa Ilocos Sur Electric Cooperative, Inc. (ISECO) ay may residential charge na P16.1192 kada kilowatthour at para sa paghahambing.
“It is unconscionable for any Filipino to pay more than 16 pesos per kilowatthour for their electricity, especially in Ilocos, a region not as developed as the National Capital Region, a region that has abundant potential renewable energy, and a region that has recently suffered from a natural disaster. You know you’re really doing something wrong if Meralco looks good compared to you,” ayon kay Gerry Arances, P4P Convenor.
Binigyang-diin ni Arances na ang ‘coal’ o karbon ang pangunahing dahilan sa mataas na power rates na ipinapasan sa mga konsyumer sa rehiyon, kung saan ang power supply agreements (PSAs) ay electric cooperatives.
Nagbabala rin ang green energy advocate na ang sitwasyon sa Ilocos ay maaari ring mangyari sa buong bansa.