LTO target tapusin sa 6 buwan ang kalahati ng 11 milyon plate backlog
MANILA, Philippines — Sa loob ng anim na buwan ay target ni Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Teofilo Guadiz III na tapusin ang kalahati ng 11 milyong plate backlogs at kabilang ang mga plaka na dapat sana’y natapos na mula 2016.
“Ang timeline ko rito mga six months baka matugunan na ang kalahati nitong mga plakang hindi pa nade-deliver sa mga bumibili ng sasakyan,” aniya.
Kaugnay nito, inihayag ni Guadiz na dodoblehin ng ahensya ang manpower nito sa plate-making plants sa ikakasang 24-hour operation at maga-outsource ng iba pang manufacturer.
Nauna nang sinabi ng LTO na kailangan nito ng P6.8 bilyon para matapos ang backlog sa license plate production.
Kinokonsidera rin ng LTO ang pagkakasa ng online transaction sa vehicle registration at renewal ng driver’s license upang maibsan ang pisikal na interaksyon.
Target din umano ng LTO ang mas mababang fees para sa serbisyo nito.
- Latest