MANILA, Philippines — Isang 22-anyos na lalaki na naaresto sa droga ang nasawi habang iniimbestigahan sa Cavite Police Provincial Office, Imus City nang biglang manikip ang dibdib, kamakalawa ng gabi.
Ang nasawi habang dinadala sa Southern Tagalog Regional Hospital sa Habay 2, Bacoor City ay nakila-lang si John Glester Sereneo, ng Dasmariñas City, Cavite.
Bago ito, naaresto ang suspek sa buy-bust operaton sa Brgy. Saint Peter 1, Dasmariñas City, Cavite.
Dinala ang suspek sa Cavite Police Provincial Office, Imus City, Cavite para sa documentation, subalit habang iniimbestigahan ay nakaramdam umano ito ng pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga kung kaya agad itong itinakbo sa nasabing ospital, subalit idineklara itong dead-on-arrival.