^

Police Metro

Aftershocks ng lindol, tatagal pa — Phivolcs

Angie dela Cruz - Pang-masa
Aftershocks ng lindol, tatagal pa � Phivolcs
Halos nasira ang national road na sakop ng Barangay Bio Lagangilang, Abra matapos tamaan ng magnitude 7.0 lindol ang lalawigan noong Miyerkules.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na inaasahang magpapatuloy ang mga insidente ng aftershock kasunod ng magnitude 7 lindol na tumama sa Abra nitong Miyerkules ng umaga.

“We expect aftershocks to continue for several weeks, pero the first three days po ang marami and hopefully, pababa na siya,” sabi ni Phivolcs chief Renato Solidum sa isang briefing kasama si Pa­ngulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Abra.

Sinabi rin niya na ma­kauuwi na sa kani-kaniyang tahanan ang mga tao kapag idineklara na itong ligtas.

“But people should be ready how to respond properly during aftershock kasi malakas pa po ang posibleng aftershock,” pahayag niya.

Dahil itinuring na ‘major earthquake’ ang pagyanig ng lupa ay nagbabala ang ahensiya na maaaring magkaroon pa ng aftershocks sa mga susunod na araw o may posibilidad na umabot pa ng mga buwan.

Ayon kay Solidum, hanggang nitong alas-11:00 ng umaga kahapon ay 828 aftershocks na ang naitala.

Sa naturang aftershocks, 126 plotted, samantalang 24 naman ang recorded hanggang kahapon ng alas-7:00 ng umaga.

Ang magnitude ng naitalang mga  aftershocks ay mula 1.5 hanggang 5.0 magnitude.

Sa magnitude 7 na lindol ay maraming istraktura, kabilang ang mga bahay, gusali at tulay, sa ilang lalawigan lalo na sa Abra na sentro ng lindol ang napinsala.

vuukle comment

EARTHQUAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with