Digital service provider papatawan na ng VAT

MANILA, Philippines — Inihayag sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sisi­ngilin na ng gobyerno ng value added tax (VAT) ang mga digital service provider.

Dapat aniyang ibatay sa tax system ng gobyerno sa mabilis na pagbabago sa digital economy.

Ayon pa kay Marcos, aabot sa P11.7 bilyon ang madadagdag sa pondo ng gobyerno sa 2023 kapag pina­tawan na ng VAT ang mga digital service providers.

Idinagdag din ni Marcos Jr. na ang mga pamamaraan sa pangongolekta ng buwis ay gagawing mas simple upang mas maging madali ang pagbabayad.

Tiniyak din ng Pangulo na magkakaroon ng reporma upang mapataas ang koleksyon ng buwis upang matugunan ang nanghinang ekonomiya dahil sa COVID-19 at mapaghandaan ang mga posibleng hindi magandang mangyayari  sa hinaharap.

Show comments