MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang pitong katao sa isang sea patrol operation at nasamsam ang nasa P6.2 milyong halaga ng smuggled sa Manalipa Island sa Zamboanga City, kamakalawa.
Kinilala ang mga suspek na sina Benzar Jajales, Pajing Muknan, Binbin Asiril, Elnejin Asiril, Minkadra Sakili, Sherwin Masakin at Adzmir Bakki.
Sa ulat, sakay ang pitong suspek ng isang motorized bangka nang maharang ng 2nd Zamboanga City Mobile Force Company, Bureau of Customs (BOC), BOC-Customs Intelligence and Investigation Service and BOC-Enforcement Security Service at nakumpiska ang nasa 178 master case ng sigarilyo na tinatayang nasa P6,230,000 ang halaga.
Walang maipakitang mga dokumento ang mga suspek nang maharang at tumanggi ring magsalita.