Pulis na pumatay sa kabaro sa Caloocan, kinasuhan na

Ayon kay Caloocan City Police chief Col. Samuel Mina, kinasuhan ng murder si Cpl. Jayvee Rommel Vicencio bunsod ng pagpatay kay  Patrolman Jefferson Valencia, 24, tubong-Zaragoza, Nueva Ecija at nakadestino sa Bulacan PPO, 1st Bulacan Provincial Mobile Force Company.
File

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng kasong murder ng Caloocan City Police ang pulis na bumaril at nakapatay sa isang kabaro na nakatalaga sa Bulacan noong Hulyo 4 sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan City Police chief Col. Samuel Mina, kinasuhan ng murder si Cpl. Jayvee Rommel Vicencio bunsod ng pagpatay kay  Patrolman Jefferson Valencia, 24, tubong-Zaragoza, Nueva Ecija at nakadestino sa Bulacan PPO, 1st Bulacan Provincial Mobile Force Company.

Sinabi ni Mina na  away sa babae ang motibo ng krimen.

Lumilitaw na isang babae ang nag-imbita sa biktima sa bahay nito sa Bagumbong, Caloocan at nang maabutan ng suspek ay humantong sa suntukan kaya nagpasya ang biktima na umalis na  lamang.

Subalit, sinundan ito ng suspek na sakay ng motorsiklo at sa  kahabaan ng Clamor Ave. Brgy 171 ay nakita naman sa CCTV na  pinagbabaril nito ang biktima ng anim na beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang sakay ng kanyang kulay gray na kotseng may plakang NJQ-618.

Humihingi ng katarungan si Leonida, ina ng biktima dahil wala naman kasalanan ang anak.

Show comments