Class opening sa Agosto 22, pinal na — VP Sara
MANILA, Philippines — Pinal na ang pagbubukas ng klase sa bansa para sa School Year 2022-2023 sa Agosto 22, 2022.
Ito ang ipinahayag kahapon ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte kasunod nang panawagan ng mga guro na ipagpaliban ang pasukan sa kalagitnaan ng Setyembre o di kaya ay sa Oktubre upang mabigyan pa sila ng sapat na panahon na makapagpahinga.
“Iyong school year po natin ay approved na ng Pangulo, August 2022 to July 2023,” pahayag pa ni Duterte sa mga reporters.
Ayon pa sa bise presidente, ang combined in-person classes at distance learning ay ipapatupad mula Agosto hanggang Oktubre na lamang, habang ang limang araw na face-to-face classes ay sisimulan naman sa Nobyembre.
Tiniyak rin niya na ligtas nang makapagbubukas ang mga paaralan sa ngayon dahil ang mga health protocols ay naiayos na sa nakalipas na dalawang taon.
“The difference now is we know the health protocols by heart, we have vaccines and we have a lot of supply of it, and we have COVID-19 medicines,” ayon pa kay Duterte.
Una nang nanawagan ang Teachers Dignity Coalition (TDC) Tutol naman ang mga grupo ng mga private schools na FAPSA at COCOPEA sa mandatory implementation ng face-to-face classes sa Nobyembre.
- Latest