^

Police Metro

Bagong 1K bill mawawalan ng bisa kapag nalukot, nasira

Joy Cantos - Pang-masa
Bagong 1K bill mawawalan ng bisa kapag nalukot, nasira
A Philippine eagle will replace World War II heroes Josefa Llanes Escoda, Vicente Lim and Jose Abad Santos on the face of the P1,000 banknote.
Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Benjamin Diokno / Release

MANILA, Philippines — Sayang na sayang kung mawawalan ng bisa ang P1,000 polymer bills kung may lukot, natupi o nasira ito.

Ito ang inihayag ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda (2nd District Albay) na pinalilinaw kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla ang problema sa bagong P1,000 polymer bills.

Ayon kay Salceda, dapat mag-isyu ng panuntunan o alituntunin si BSP Governor Medalla sa pagtanggap ng may pinsala, natupi o nasirang P 1,000 polymer bills sa mga establisimentong pang negosyo at maging sa mga konsumer na maaapektuhan nito.

Ang komite ni Salceda ang siyang sumisilip sa tax policy gayundin sa mga monetary at pinansyal na ugnayan  sa pambansang pamahalaan.

Gayunman, ang kakulangan ng panuntunan ay lumi­likha ng kalituhan sa pagtanggap ng mga establisi­mentong pang-negosyo sa polymer bills sa kanilang cash transakyon.

Ipinunto ni Salceda sa pagkakaintindi niya ang lumang P1,000 peso bill kahit natupi at may pinsala ay napapalitan pa sa bangko at sa BSP, pero sa bagong  P1,000 polymer bills ay wala na itong bisa  na hindi na mapapakinabangan.

Inihayag pa ng solon na problema rin ang pagbabawal sa pagtupi ng nasabing bagong bill na mas sensitibo .

Ayon sa Kongresista dapat mag-isyu ng panuntunan sa lalong madaling panahon si Medalla.

Nakatakda namang makipagpulong si Salceda sa BSP sa isyu ng polymerizarion ng mga bills at maging sa epekto nito sa sektor ng abaca.

MONEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with