Dolomite Beach, permanente nang bukas sa publiko
MANILA, Philippines — Permanente na umanong bubuksan sa publiko ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Manila Bay Dolomite Beach kahit matapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30.
Magugunita na muling binuksan sa publiko ang Dolomite Beach noong June 12 kasabay ng pagdiriwang ng ika-124 na anibersaryo ng Independence Day kung saan dumalo si Pangulong Duterte.
Bukas ang Dolomite Beach mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.
Sarado naman tuwing araw ng Huwebes para sa paglilinis at pagsasaayos.
Pinapayagan ang may 1,500 hanggang 3,500 na bisita na makapasok sa Dolomite Beach.
- Latest