Marcos kinumpirma na dadalo Sara handa na sa inagurasyon, Davao todo alerto!

Composite photo shows President-elect Ferdinand Marcos Jr. and Vice President-elect Sara Duterte-Carpio on May 25, 2022.
Philstar.com / EC Toledo IV

MANILA, Philippines — Handang handa na si Vice President–elect Sara Duterte–Carpio sa kaniyang inagurasyon ngayong araw (Hunyo 19) sa Davao City at todo alerto ang mga awtoridad para sa kanilang seguridad.

Kinumpirma rin ni Duterte-Carpio kahapon matapos siyang mag-inspeksyon sa San Pedro Square sa Davao City, ang venue kung saan gaganapin ang panunumpa nito na dadalo sa kanyang inagurasyon si inco­ming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa Hugpong ng Pagbabago (HNP), pinalakas na rin ng mga law enforcement agencies ang ipinatutupad na seguridad sa nasabing makasaysayang okasyon sa panunumpa sa tungkulin ng ika-15 nahalal na Bise Presidente ng bansa.

Si Duterte-Carpio ay manunumpa kay Supreme Court Justice Ramon Hernando.

Nakahanda na rin ang entablado kung saan magtatalumpati si Duterte-Carpio sa San Pedro Square.

Sinabi ni Duterte-Carpio na maikli lamang ang kaniyang magiging “inaugural speech” dahil sa masamang lagay ng panahon pero ang tema nito ay kahalintulad ng kanilang mga sinasabi at panawagan noong panahon ng campaign sortie sa ginanap na May 9, 2022 national elections.

“It will be very short and will focus on the messages that I gave during the campaign, reiterating what we should do as a country”, anang presidential daughter.

Ayon pa kay Duterte-Carpio, siya mismo ang susulat ng kaniyang talumpati kung saan huling talata na lamang ang kulang dito para sa okasyon ngayong linggo.

Show comments