^

Police Metro

Sunog, sumiklab sa Metropolitan Theatre

Danilo Garcia - Pang-masa
Sunog, sumiklab sa Metropolitan Theatre
Binobombahan ng tubig ng mga bumbero ang nasusunog na bahagi ng bagong renovation na Metropolitan Theater sa Lawton, Maynila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasunog ang ilang bahagi ng bagong renovate na Metropolitan Theater sa Arroceros, Ermita, May­nila, kahapon.

Sa inisyal na ulat ng Manila Fire Department, alas-8:55 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa ticketing office na gina­wang barracks ng mga construction worker na patuloy na nagkukumpuni sa gusali.

Alas-9:23 ng umaga nang ideklarang fire under control ang sunog at alas-9:41 ng umaga nang magdeklara ng fire out.

Ayon naman sa pamunuan ng Metropolitan Theater, nagmula ang sunog sa isang silid sa unang palapag ng Padre Burgos Wing ng gusali na inaayos sa ilalim ng Phase 2 ng proyekto.

Hindi naman anila kumalat ang apoy sa ibang bahagi ng Tanghalan at walang nasawi at naitalang pinsala sa pag-aari, mali­ban sa ilang luma at bulok na kagamitan na tinanggal sa iba’t ibang bahagi ng Tanghalan.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng Metro­politan Theater sa mga tumulong upang agad na maapula ang sunog. Sa ngayon, inaalam pa kung ano ang naging sanhi ng sunog sa nasabing lugar.

Related video:

vuukle comment

METROPOLITAN THEATER

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with