Balik-opisina ng mga empleyado, kinontra ng OCTA
MANILA, Philippines — Kinontra ng OCTA Research ang pagbabalik ng mga empleyado sa opisina mula sa work-from-home schedule dahil muling bumibilis ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 partikular sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David sa Laging Handa public briefing, dapat i-hold muna ang nasabing balak na pabalikin “onsite” ang mga nagta-trabaho sa mga tahanan.
“Iyong sa flexi-work schedule, I agree na siguro baka puwedeng i-hold-up muna iyong pagbabalik ng mga tao sa work-from-home schedule. Nabalitaan ko kasi [na] sa June 15 [ay] marami ng mga work-from-home sa offices ay babalik na sa onsite iyong work,” ani David.
Dapat aniyang mabawasan pa rin ang bilang ng mga tao na pumapasok sa mga opisina na bukod sa makakaiwas sa COVID-19 ay makakatipid pa sa pamasahe.
Nauna rito, sinabi ni David na sa nakalipas na linggo ay 53% na ang itinaas ng COVID-19 sa National Capital Region.
- Latest