^

Police Metro

Bus na pa-PITX huli sa overloading

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinuli ng mga tauhan ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) ang isang bus driver at kaniyang konduktor dahil sa overloading nang magpanggap na “rescue bus” sa may Parañaque City, kamakalawa.

Paliwanag ng driver ng bus, meron silang nada­­a­nang aksidente ng bus sa Cavite at bukas-palad aniyang tinulungan at pinasakay ang mga pasahero nito upang hindi ma-stranded.

Pero, nagsumbong ang mga pasahero sa mga ope­ratiba na hindi ito totoo at iginiit na wala silang aksidenteng nadaanan at punuan na ang bus habang nasa mga lungsod ng Dasmariñas at Imus, Cavite pa lamang ito.

Hindi rin umano mapaliwanag ng driver kung bakit Lawton ang display na sign board ng bus niya sa halip na PITX lamang.

Kinumpiska ng Inter-agency Council for Traffic ang lisensya ng driver at binigyan ng temporary ope­rator’s permit ang ope­rator ng bus dahil sa violation ng excess passenger.

“Marami pa din mga bus drivers, conductors, at operators ang hindi pa rin nakakasunod sa panukala ng DOTr ukol sa 100% seating capacity para sa mga PUV na ilang buwan na ipinatupad ng ahensya,” ayon sa I-ACT.

Paalala ng I-ACT, kailangang isaalang-alang ang health protocols para sa kaligtasan ng mga pasa­herong kanilang sineser­bisyuhan lalo’t hindi pa tapos ang pandemya.

OVERLOADING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with