MANILA, Philippines — Pinasisibak ng Office of the Ombudsman sa serbisyo ang 45 officials at empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “pastillas” extortion scheme.
Batay sa 143-pahinang desisyon ng Ombudsman noong March 21, napatunayang nagkasala o “administratively liable for grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service” ang 45 na BI officials at employees.
Ibinasura naman ng Ombudsman dahil sa lack of jurisdiction sa kasong administratibo sina dating BI-POD chief Marc Red A. Marinas, Angelica B. Omamppo, Yanni M. Hao, Cathy D. Du, at George Gilbert T. Ong.
Ibinasura din ang kasong serious o gross dishonesty at gross neglect of duty laban sa 40 iba pa.
Tinawag na “pastillas” dahil mistulang pastillas na candy ang suhol na binibigay ng mga dayuhan partikular ang mga Chinese sa mga BI employee na iligal na pumapasok sa bansa.