Giyera kontra iligal na droga tuloy – Duterte
MANILA, Philippines — Kahit pa bumaba na sa puwesto sa Hunyo 30 ay nangako si outgoing President Rodrigo Roa Duterte,na ipagpapatuloy niya ang kanyang giyera laban sa ilegal na droga.
Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay sinabi niya sa isinagawang commissioning ng Barko ng Pangulo ng Pilipinas Melchora Aquino, ang Philippine Coast Guard’s (PCG) Multi-Role Response Vessel 9702, sa South Harbor sa Manila.
“I will continue to operate. Bahala na kung papano, basta I will continue to operate against illegal drugs. Ngayon ‘yung gusto pumasok, I’m warning you, buhay [sa] buhay lang tayo (those who want to do drugs, we’re talking about lives here) — either you kill me or I will kill you. Simple as that,” ayon sa Pangulo.
“Hindi ko papayagan. Even as ex or former President, hindi ko payagan ‘yang society, ‘yung mga anak natin sisirain mo. P*tang*n*, papatayin talaga kita. Wala akong pakialam,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Hindi naman siya nababahala sa mga kritisismong ibinabato sa kanya na may kinalaman sa di umano’y extrajudicial killings sa ilalim ng kanyang administrasyon.
“Ang order ko talaga sa inyo noon pa, go out and destroy the apparatus of the drug syndicates in the Philippines. If you have to kill, because you have to protect yourselves from being killed, do it at ako ang nagbigay ng order,” anito.
“I will assume full legal responsibility. Akin yan. Akin lang yan. Sinasalo ko lahat. Basta ikaw magtrabaho ka diyan, drug or something,” dagdag na pahayag ng Chief Executive sabay sabing hindi dapat na matakot ang tagapagpatupad ng batas sa International Criminal Court (ICC).
- Latest