Lehitimo ang pag-aresto sa ‘Tinang 92’ – PNP

“Wala pong human rights abuse doon, actually kinausap natin sila ng matiwasay ng mahusay eh, ilang negotiations pa po yung ginawa natin, na kung maaari ipatigil nila yung ginagawa nilang paninira sa tubuhan. Ilang beses po yun na sinubukan namin i-negotiate namin siguro dalawa hanggang tatlong beses,” ani Concepcion Police chief Lt. Col. Reynold Macabitas.
File

MANILA, Philippines — Legal at hindi naabuso ang mga inarestong magsasaka at land reform advocates na tinaguriang ‘Tinang 92’ na hinuli sa isang bukid sa Barangay Tinang nitong Huwebes.

“Wala pong human rights abuse doon, actually kinausap natin sila ng matiwasay ng mahusay eh, ilang negotiations pa po yung ginawa natin, na kung maaari ipatigil nila yung ginagawa nilang paninira sa tubuhan. Ilang beses po yun na sinubukan namin i-negotiate namin siguro dalawa hanggang tatlong beses,” ani Concepcion Police chief Lt. Col. Reynold Macabitas.

Sa kabilang banda, iba naman ang sinasabi ng abogado ng mga naaresto.

“Itong mga pulis na ito ang daming mga ginawang pambubugbog nawalan ng iba ng mga gamit, yung journalist na hinablot ng cellphone hindi na niya nakuha, tapos yung mga journalist na dapat hindi naman kasama sa kaso, kasama silang kinasuhan 3 ngayon, 13 sila na nagko-cover lang,” anang legal counsel na si Atty. Jobert Pahilga.

Sinabi naman ng Concepcion MPS, walo sa 91 ang napalaya na para sa karagdagang imbestigasyon samantalang ang natitirang 83 ay mananatili sa kustodiya ng PNP habang sila ay hindi pa nakakapagpiyansa.

Dagdag pa ng PNP, 12 lang sa 83 na nasampahan ng kaso ang mga lehitimong magsasaka at karamihan sa mga nahuli ay galing sa ibang lugar, partikular na sa Metro Manila.

Show comments