MANILA, Philippines — Nag-courtesy call kay incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang ilan pang diplomats tulad nina United Nations Resident Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzalez, Sweden Ambassador Annika Thunborg, Ambassador Charles Brown ng Holy See at Irish Ambassador William Carlos.
Ayon kay Thunborg, natalakay nila ni Marcos ang kampanya kontra sa illegal na droga.
Dapat kasi aniyang ituloy ang war on drugs bastat siguraduhin na nasusunod at hindi naabuso ang karapatang pantao.
Dapat din aniyang tutukan ang rehabilitasyon at socio-economic development.
Natalakay din nina Marcos at Thunborg ang usapin sa ekonomiya, financial policies, transnational crimes at iba pa.