^

Police Metro

Metro Manila naka-high alert sa ‘Mindanao bombing’ Seguridad sa MRT-3 at LRT-2, mas hinigpitan

Mer Layson - Pang-masa
Metro Manila naka-high alert sa ‘Mindanao bombing’ Seguridad sa MRT-3 at LRT-2, mas hinigpitan
MRT-3 commuters at North Ave. station observe the reduced physical distancing protocol by the Department of Transportation on Sept. 14, 2020.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Lalo pang hinigpitan ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang ipinatutupad nilang seguridad sa lahat ng kanilang mga istasyon at mga tren.

Ito’y kasunod na rin ng pagsasailalim ng Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila sa “full alert” bunsod ng mga pambobombang naganap sa Mindanao kamakailan.

Sa ipinatutupad na security measures ng MRT-3 at LRT 2, pansamantala munang pinagbawalan ang mga pasahero nito na magdala ng ilang bagay sa loob ng istasyon na posibleng may dalang panganib sa mga mananakay.

Kabilang dito ang lahat ng uri ng armas, bladed weapons, at mga flammable substances.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang mga toxic chemicals, lighters, posporo, pesticides, muriatic acid, liquid hydrogen, at iba pang kahalintulad na items.

Paglilinaw naman ni MRT-3 General Manager Michael Capati, ang pinahigpit na seguridad ay preventive measure lamang at wala silang natatanggap na anumang impormasyon na tinatarget ng mga terorista ang kanilang mga tren.

Nabatid na bukod sa istriktong pag-iinspeksiyon ng mga bagahe ng mga pasahero, mayroon ding mga K9 dogs na nag-iikot at nagbabantay sa lahat ng istasyon at mga tren ng LRT-2.

MRT-3

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with