Vloggers isasama sa Malacañang briefings

This January 2012 photo shows lawyer Trixie Cruz-Angeles, which has been appointed as Malacanang press secretary.
Trixie Cruz-Angeles via blogspot

MANILA, Philippines — Inaayos na ng Malacañang na makasama ang mga vloggers sa ilan sa mga briefings sa Palasyo.

Ito ang sinabi ni incoming PCOO Secretary Trixie Cruz-Angeles at kasama ito sa kanilang prayoridad.

“We are pushing for the accreditation of vloggers to be invited to some of the briefings especially those conducted by the President,” ayon kay Atty. Trixie Cruz-Angeles, isang pro-administration vlogger.

Sa ulat, malaki ang naging tulong ng mga pro-admi­nistration vloggers sa panahon ng kampanya ni Pre­si­dent-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., may ilan ang nabigyan ng priority access noong panahon ng UniTeam sorties.

Ang access sa Malacañang coverage o Palace events ay kadalasang limitado lamang sa mga mamamahayag mula sa TV networks, online news outfits, at news­papers.

At sa tanong kung papayagan ng incoming admi­nistration ang lahat ng mga journalists o mamamahayag na mag-cover ‘physically’ sa mga Presidential events, sinabi ni Angeles na titingnan muna nila ang umiiral na polisiya.

Magugunita na  pinagbawalan ang Rappler reporter noong 2018 na makapasok sa buong Palace complex matapos na maglathala ng kritikial sa administrasyon.

Show comments