^

Police Metro

Marcos, Duterte proklamado na!

Joy Cantos - Pang-masa
Marcos, Duterte proklamado na!
Natapos na ang canvassing ng National Board of Canvassers – Con­gress, ganap na alas-3:33 ng hapon at dito ay kanilang iprinoklama bilang bagong Pangulo ng Pilipinas si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bagong Panga­lawang Pangulo Sara Duterte-Carpio.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Iprinoklama na kahapon si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng Republika ng Pilipinas matapos ideklara ng Kongreso na umuupong National Board of Canvas­sers, na nanalong presidente sa Eleksyon 2022.

Prinoklama rin ng Kongreso ang running mate ni Marcos na si Davao City Mayor Sara Duterte bilang bagong bise presidente ng Pilipinas.

Si Marcos, na ang sentro­ ng kampanya ay pagkakaisa ay nakakuha ng 31,629,783 boto sa nakalipas na halalan. Ang dating senador na pangarap pangunahan ang bansa dahil nais niya na magkaisa ang mga Fili­pino. Habang si Duterte ay nakakuha ng 32,208,417 boto.

Ang isinagawang canvassing ng mga boto para sa presidente at bise-presidente sa nakalipas na halalan ay natapos lang ng dalawang araw.

Eksakto alas-3:33 ng hapon kahapon nang isara ng Joint Canvassing Committee na pinamumunuan nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at House Majority Leader Martin Romauldez ang pagdedeklara na nakumpleto na ang pagpro­seso sa 173 na certificate of canvass (COC).

Tinapos ang canvas­sing kahit na hindi pa nabi­bilang ang boto sa overseas absentee voting mula sa Argentina at Syria.

CANVASSING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with