MANILA, Philippines — Hindi lalagpas sa darating na Biyernes ang proklamasyon ng mga nagwaging party-list groups makaraang maantala ito dahil sa ginanap na ‘special elections’ sa Tubaran, Lanao del Sur.
Ito ang tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) nang muling nagbalik sa canvassing ang Comelec na tumatayong National Board of Canvassers para sa part-list groups sa Philippine International Convention Center (PICC) kung saan ay nasa 63 puwesto sa Kongreso na nakataya.
Iginiit rin ng Comelec na hindi nila ipoproklama ang mga party-list group na may nakabinbin na disqualification cases kabilang ang Kabataan at Gabriela.
Itinanggi naman ng Gabriela na hindi sila naproklama noong 2019 sa kabila ng disqualification case na inihain ng NTF-ELCAC.