^

Police Metro

Canvassing sa mga boto ng presidente, VP umarangkada na

Gemma Garcia - Pang-masa
Canvassing sa mga boto ng presidente, VP umarangkada na
Members of Congress begin canvassing votes for president and for vice president on May 24, 2022.
Philstar.com / Xave Gregorio

MANILA, Philippines — Upang simulan ang opisyal na canvassing sa mga boto ng presidente at bise presidente ay 20 senador at 296 kongresista ang dumalo sa pagsisimula ng joint session ng Kongreso.

Sa pangunguna nina Senate President Tito Sotto at Speaker Lord Allan Velasco ay unang agenda ang pag-adopt sa mga alituntunin para sa gagawing canvassing kung saan ang mga senador at kongresista ang tatayong National Board of Canvassers o NBOC-Congress.

Sa panig ng Senado, itinalaga bilang miyembro ng Joint Canvassing Committee sa pangunguna ni Senator Migz Zubiri habang miyembro sina Senators Nancy Binay, Imee Marcos, Franklin Drilon, Grace Poe, Ralph Recto, Pia Cayetano alternate members naman sina Senators Lito Lapid, Riza Hontiveros, Koko Pimentel at Ronald dela Rosa.

Sa panig ng Kamara ay pinangunahan naman ito ni Majority Leader Martin Romualdez, habang mga miyembro naman sina Reps. Boying Remulla, Abraham Tolentino, Kristine Singson-Meehan, Manix Dalipe, Sharon Garin at Juliet Ferrer alternate members naman sina Reps. Rimpy Bondoc, Alfredo Garbin, Johnny Pimentel at Stella Quimbo.

Ganap na alas 10:30 ng umaga nang unang ipag-utos ni SP Sotto sa House at Senate secretariat na isa-isang buksan ang bawat balota kung saan nauna rito ang ballot boxes mula sa Embahada ng Pilipinas sa Cambodia.

Unang sinuri ang serial number at lock seals ng bawat envelope gaya ng nailatag na tuntunin at saka muling lalagyan ng seal ang mga certificate of canvass na nasuri na.

Sa ilalim ng mga napagkasunduan tuntunin sa panahon ng canvassing, ang Joint Committee ang mag­dedesisyon sa mga tanong at isyu ukol sa Certificates of Canvass sa pamamagitan ng majority votes ng miyembro ng bawat panel na hiwalay na boboto ang Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sakaling hindi magkasundo ang dalawang panels ang magdedesisyon ay ang chairperson at kapag nagkaroon ng deadlock, ang reresolba ay ang Speaker at Senate President.

Tinatayang matatapos ang canvassing at maaaring magproklama sa mga nanalong kandidato sa Huwebes.

CANVASSING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with