^

Police Metro

Pinas at India magtutulungan sa produksyon ng lokal na generic na gamot

Malou Escudero - Pang-masa
Pinas at India magtutulungan sa produksyon ng lokal na generic na gamot
Sa isang press briefing, ibinahagi ni Marcos ang kanyang pakikipagpulong kay Indian Ambassador Shambhu S. Kumaran at iba pang miyembro ng ­diplomatic corps sa kanyang headquarters sa Mandaluyong City.
File

MANILA, Philippines — Upang mas palakasin pa ang lokal na produksiyon ng mga generic na gamot sa bansa ay balak ni presumptive president Ferdinand Marcos, Jr. na magkaroon ng kasunduan ang Pilipinas at India

Sa isang press briefing, ibinahagi ni Marcos ang kanyang pakikipagpulong kay Indian Ambassador Shambhu S. Kumaran at iba pang miyembro ng ­diplomatic corps sa kanyang headquarters sa Mandaluyong City.

“India is one of the largest manufacturers of generic drugs. We could go into partnership para magkaroon ng production dito sa Pilipinas,” ani Marcos.

Ang India ay kilala bilang isang ‘pharmaceutical powerhouse’ at kinukonsidera na pinakamalaking manufacturer ng generic medicines sa buong mundo na may 20% share ng glo­bal pharmaceutical exports.

Sa kanila rin nagmula ang higit sa kalahati ng lahat ng mga bakuna na ginawa sa buong mundo.

Nitong 2021, ang kanilang pharmaceutical sector ay nagkakahalaga ng US$42 bilyon.

Bukod sa pagkakaroon ng malakas na ugnayan pagdating sa produksiyon ng gamot, napag-usapan din nina Marcos at Kumaran ang pagpapatuloy ng magandang ugnayan ng Pilipinas at India

MEDICINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with