Robin Padilla, walang nilabag na Comelec protocol
MANILA, Philippines — “Walang nilabag na protocol si number 1 Senator-elect Robin Padilla nang higit sa lima ang makita na kasama niyang nagpakuha ng larawan sa entablado sa ginanap na proklamasyon nitong Miyerkules.”
Ito ang nilinaw ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson John Rex Laudiangco dahil lima lang talaga ang kasama ni Padilla na siyang panuntunan nila para sa mga nanalong kandidato sa senatorial race.
Ang iba umano na nakita na sumama sa kaniya nang magpakuha ng ‘customary photo opportunity’ sa Philippine International Convention Center (PICC) ay nanggaling sa ‘gallery’ na nangangahulugan na kasama ng ibang bisita na posibleng niyaya lamang na umakyat at kabilang dito si Senador Bong Go na matalik na kaibigan ni Padilla.
Kapansin-pansin rin na hindi kasama ni Padilla ang kaniyang misis na si Mariel Rodriguez Padilla at ang mga anak partikular na si Kylie Padilla.
Sa dulo ng kaniyang talumpati, biniro niya ang mga manonood nang magsabing, “It’s late in the evening, I feel wonderful tonight.”
- Latest