BBM-Sara tinambakan ang mga kalaban

Bongbong Marcos and Sara Duterte during the UniTeam Grand Rally in Digos city, Davao Del Sur on March 30 2022.
EC Toledo / Philstar.com

MANILA, Philippines — Hindi nagpapatinag si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pangunguna sa katatapos na presidential elections.

Base sa partial, unofficial results aggregated mula sa Comelec data as of May 10, 2022, 5:32PM at mula sa 98.03% ng Election Returns ay nangunguna si Ferdinand“Bongbong” Marcos sa nakuhang 31,021,353 boto; kum­para sa kalabang si Vice President Leni Robredo na nakakuha lamang ng 14,785,073 na boto; Senador Manny Pacquiao na mayroong 3,624,946 na boto habang nasa ikaapat na puwesto si Manila Mayor Isko Moreno na may 1,885,363 na boto at ikalima si Ping Lacson-880,479 na boto.

Sa vice presidential race batay sa partial, unofficial results mula sa Comelec data as of May 10, 2022, 5:32PM at mula sa 98.03% ng Election Returns ay patuloy pa ring nangunguna sa vice presidential race si Davao City Mayor Sara Duterte na nakakuha ng 31,466,425 na boto kontra sa mga kalabang sina Senador Francis Pangilinan-ng 9,209,165 na boto; at Senator Tito Sotto na nakakuha ng 8,170,513.

Show comments