MANILA, Philippines —“Kung marami kaming natulungan noong 2016 hanggang ngayon, dodoblehin pa namin yun in the coming months.” Ito ang pahayag ni ACT-CIS Chairman Erwin Tulfo matapos manguna ang kanilang partylist sa partial ang unnoficial count ng mga boto matapos ang matagumpay na pagdaraos ng May 9 polls.
“Maraming-maraming salamat po sa tiwala. Hihigitan pa namin ang aming mga nagawa nitong mga nagdaang taon sa pagtulong sa mga inaapi, kapus-palad at ang aming performance sa kongreso,” wika ni broadcast journalist na si Erwin Tulfo.
Ayon pa kay Tulfo,“I guess people see if you keep your promises during the previous election. Then they translate it into votes in the next election particularly at the national level.”
Naniniwala si Erwin na kaya sila muling nanguna sa election sa ikalawang pagkakataon ay dahil nakakarating at nakikita ng taong bayan ang kanilang tulong at performance.