100 pamilya nakatanggap ng titulo ng kanilang lupa sa Quezon City

MANILA, Philippines — Aabot sa 100 pamilya na informal settlers ang nakatanggap na ng titulo ng kanilang lupa sa Brgy.Gulod, Quezon City.

Ito ang sinabi ni Mayor Joy Belmonte, kaya’t magkakaroon na ng lupang mapagtatayuan ng permanenteng tahanan ang mga informal settler sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Belmonte, nabili ng lokal na pamahalaan ang lupa sa pamamagitan ng direct sale at direct purchase program ng city govt

Base sa talaan ng ­Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD),nasa 17,000 underprivileged beneficiaries ang nabigyan na ng security of land tenure mula noong July 2019 dahil na rin sa  Land Acquisition and Socialized Housing program ng lungsod.

“Iisa lang naman ang layunin ng ating lokal na pamahalaan: ang maisakatuparan ang pangarap ng bawat QCitizen na magkaroon ng maayos at ­disenteng tirahan sa lungsod kung saan sila pinanganak, lumaki, umibig, nagkapamilya, at naghahanap-buhay,” wika ni Belmonte.

Show comments