MANILA, Philippines — Personal na nagtungo si Senator Christopher “Bong” Go sa mga residente sa Island Garden City sa Samal, Davao del Norte para maghatid ng tulong doon noong Biyernes.
PInangunahan niya ang pagsasagawa ng relief operations para sa mga magsasaka, solo parents, mangingisda, senior citizens at iba pang sectoral groups sa Brgy. Sta. Cruz.
Muling tiniyak ni Go ang kanyang commitment na matulungan ang mga nangangailangang kababayan kahit nasaan man silang lugar sa bansa.
“Mga kababayan ko, mayroon lang akong kaunting tulong para sa inyo. Ako sinabi ko sa inyo noong una na kahit saang sulok kayo ng Pilipinas, basta kaya lang ng panahon ko at kaya lang ng oras ko, tutulungan ko kayo,” ayon kay Go.
Pinasalamatan din ni Go ang mga Samaleños sa kanilang patuloy na suporta sa buong panahon ng termino ni Pang. Rodrigo Duterte, at tiniyak na ang pagtulong niya sa mga ito ay bahagi ng commitment niya at ni Pang. Duterte bilang mga public servants.
Upang matiyak naman ang kaligtasan ng may 1,376 residente na nagtungo sa Sta. Cruz National High School, igrinupo ng outreach team ng senador ang mga benepisyaryo sa mas maliliit na batch at istrikong ipinairal ang mga kinakailangang health protocols laban sa COVID-19.