^

Police Metro

Tourism Workers ‘unsung heroes’

Mer Layson - Pang-masa
Tourism Workers ‘unsung heroes’
File photo shows workers in Boracay Island.
Miguel de Guzman / File

MANILA, Philippines — Dahil sa malaki ang naging kontribusyon sa bansa ng mga manggagawa sa industriya ng turismo ay tinawag silang ‘unsung heroes’ ng Turismo Isulong Mo Partylist (TURISMO) sa pagdiriwang ng Labor Day kahapon.

Ayon kay Wanda Tulfo Teo, hindi lamang malaki ang ibinabahagi ng sektor ng turismo sa gross domestic product (GDP) taun-taon bago ang pandemic ay malaki rin ang naitutulong sa pagbangon ng ekonomiya sa muling pabubukas ng turismo sa bansa.

Bagaman, nasarhan ang operasyon ng turismo nang dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic, libu-libong tourism workers ang sumalang bilang “frontli­ners” noong ipatupad ang community quarantine.

Sinabi ni Teo, hinarap ng mga kasamahan nilang manggagawa ang hamon nang magsilbing quarantine facilities ang mga hotels sa daan-daang libong overseas Filipino workers (OFWs) at ibang pang kababayan nating umuwi galing ibayong-dagat.

Kakatawanin at isusulong ng 156 TURISMO Partylist sa Kongreso ang mga karapatan, kapakanan at interes ng mga tourism workers, small entrepreneurs at mga komunidad sa mga tourist destination areas sa bansa.  

TOURISM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with