Diokno: Kandidatong ayaw sumipot sa debate, ‘pambansang chicken’

MANILA, Philippines — Binasagan ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na “pambansang chicken” ang isang kandidato na ayaw sumipot sa mga debate.

“Sabi nila “pambansang chicken” daw ‘yung ayaw sumipot sa debate. Pero buti pa ang chicken, sinusuri, kinikilatis, tinitimbang bago piliin at bilhin,” ani Diokno sa isang post sa Twitter.

Iginiit pa ni Diokno na ang debate ay magandang paraan upang sukatin at timbangin ang mga kandidato kung karapat-dapat ba silang makakuha ng boto ng taumbayan.

“Nagdaraos tayo ng mga debate para matimbang ang mga kandidato at makita kung karapat-dapat ba sila sa boto natin. Sana kung gaano tayo ka-pihikan sa manok na binibili sa palengke, ganon din sa manok natin sa eleksyon,” ani Diokno.

Hindi man nagbanggit ng pangalan, tanging si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lang ang kandidato sa pagkapa­ngulo ang hindi humaharap sa debate.

Tumanggi rin si Marcos sa imbitasyon na one-on-one debate ni Vice President at kapwa presidential aspirant na si Leni Robredo.

Show comments