MANILA, Philippines — Isang sundalo ang nasawi at 5 miyembro ng teroristang Dawlah Islamiya-Maute Group (DI-MG) matapos magkasagupaan ang mga ito nitong Miyerkules sa Lanao del Sur.
Ayon kay Lt. Col. Romulus Rabara, commander ng 5th Infantry Battalion-PA, nasawi si Corporal Rutevic Jaralve ng Zamboanga del Norte habang sugatan ang ilan sa mga kasamahan nito.
Inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng limang nasawi na miyembro ng DI-MG na pinangunahan ng isang Abdullah.
Batay sa report, alas-8:00 ng umaga ng Miyerkules nagsimula ang matinding bakbakan sa bulubunduking bahagi ng Barangay Ragayan, Butig, Lanao del Sur.
Bago ang bakbakan ay nakatanggap ng sumbong ang mga sundalo mula sa mga residente hinggil sa presensya ng mga armadong grupo na paniniktik at nag-iimbak ng mga construction materials at pagkain sa naturang lugar.
Agad na nagsagawa ng operasyon ang tropa ng pamahalaan at nagpakawala ng Field Artillery Battalion, 2-AW-109 attack helicopters ang Philippine Air Force’s Tactical Operations Group.
Tumagal ng 4 na oras ang sagupaan na ikinamatay ng 5 terorista at isang sundalo.