Duterte at Bong Go, nagpaabot ng tulong sa mga biktima ni Agaton sa Leyte
MANILA, Philippines — Magkasamang nagsagawa sina Pang. Rodrigo Duterte at Senator Christopher “Bong” Go ng aerial inspection sa Baybay City at bayan ng Abuyog sa Leyte noong Biyernes Santo, April 15, upang alamin ang lawak ng naging pinsala nang naganap na malawakang pagbaha at landslides doon, dulot ng bagyong Agaton.
Ayon kay Sen.Go, walang pinipiling araw ang pagseserbisyo sa kapwa kahit Holy Week kung kailan kailangan ng tulong at malasakit ng mga kababayan nating tinamaan ng bagyo.
Sinabi ni Sen. Go, buong gobyerno sa pamumuno ni Pangulong Duterte ay nagpunta ng Leyte para gampanan ang kanilang tungkulin at siguraduhing makabangong muli ang mga nasalanta ng bagyo. Matapos ang aerial inspection, binisita rin nina Pang. Duterte at Sen. Go ang mga residente at nag-abot ng tulong sa mga residenteng nasugatan dahil sa bagyo at kasalukuyang nananatili sa outpatient services ng Western Leyte Provincial Hospital sa Baybay City.Inalam din nila ang operasyon ng Malasakit Center sa naturang pagamutan.
- Latest