^

Police Metro

Bulkang Taal, ibinaba na sa Alert Level 2

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa “decreased unrest” o pagbaba ng mga aktibidad ng Bulkang Taal sa Batangas, isinailalim kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 mula sa Alert Level 3 (magmatic unrest) ang naturang bulkan.

Ayon sa Phivolcs, bu­maba na rin ang “volcanic degassing” at “volcanic earthquake” sa main crater ng bulkan.

Dagdag ng ahensya, mula Marso 26, 2022, nasa 86 volcanic earthquakes na may mahihinang magnitude na lamang ang naitala sa bulkan. Wala na ring naitatalang seismic activity sa Bulkang Taal.

Sa kabila ng pagbaba ng alert level ng bulkan, nilinaw ng Phivolcs na hindi ito nangangahulugang tuluyan nang naglaho ang banta ng mu­ling pagsabog. Oras umano na magkaroon ng dagliang pagtaas o pagbabago sa iba’t ibang monitoring parameters, maaaring ibalik muli sa Alert Level 3 ang status ng bulkan.

Sa Alert Level 2, ipinagbabawal pa rin ang pagpasok ng sinuman sa Taal Volcano Island (TVI), na siyang Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Taal. 

Hinimok ng Phi­vo­lcs ang mga Local Go­vernment Units (LGUs) na manatiling mapagbantay at patuloy na ihanda ang contingency plans, at mga komunikasyon lalo na para sa mga inilikas na mga residente at apektadong mga barangay sakaling manumbalik ang pag-aalburoto ng bulkan. 

Bawal pa rin ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa bunganga ng bulkan upang makaiwas sa biglaang pagbuga ng abo at malalaking tipak ng lava o paglipad ng abo dala ng malakas na hangin na maaaring magdulot ng panganib.

BULKANG TAAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with