Mahigit 63 milyong balota naimprenta na

Ito ang sinabi ni Commisison on Elections commissioner George Garcia na malapit nang makumpleto ng National Printing Office (NPO) ang pag-iimprenta nang makapagtala ng 94.68% balota na nailimbag na.
Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — Nasa 63,856,233 balota na ang naimprenta kahapon at kulang na lang ng mahi­git 4 milyon na kailangang balota na gagamitin sa halalan sa Mayo 9.

Ito ang sinabi ni Commisison on Elections commissioner George Garcia na malapit nang makumpleto ng National Printing Office (NPO) ang pag-iimprenta nang makapagtala ng 94.68% balota na nailimbag na.

Iniulat din naman niya na halos 179,000 balota ang itinuring na depektibo at kailangang iimprenta muli. Nasa 0.28% lamang ito ng kabuuang bilang ng mga natapos nang balota.

“So, still very ­manageable, napakaliit. Ang importante nakikita ‘yung mga ganitong ­problema, diperensiya,” giit ni Garcia.

Nasa 72.31% ng mga vote counting machines (VCMs) ang handa na para ipamahagi, maging ang 99.54% ng mga external batteries, 100% ng mga transmission device, at 100% ng mga ballot boxes.

Para sa mga Consolidation and Canvassing System (CCS) laptops, nasa 71.73% o 1,172 units ang handa na para ipamahagi sa mga City/Municipal Board of Canvassers, habang nasa 76.54% o 61 ng 81 units ang handa na rin sa mga Provincial Board of Canvassers.

Show comments