MANILA, Philippines — Napatunayan ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala sa kanyang kapalaran na maging “lame duck”, ‘di tulad ng karamihan sa mga lider ng Pilipinas at nanatiling maipluwensya nang makamit ng overall approval rating na 75% at trust rating na 70% batay sa survey na RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).
Sa nasabi ring survey ay nakatanggap ng 90 percent trust rating si dating Department of Public Works and Highways Secretary at senatorial candidate Mark Villar sa kanilang nationwide survey at nananatiling “top choice” sa karera sa Senado na sinundan ni Antique Rep. Loren Legarda (65.3%), broadcaster Raffy Tulfo (63.5%), dating House Speaker Alan Cayetano (54.1%), Sorsogon Governor Chiz Escudero (52.8%);actor na si Robin Padilla (45.2%).
Pumuwesto mula ika-7 hanggang ika-12 ay sina Sen. Migz Zubiri (45.1%), Sen. Win Gatchalian (42.9%), dating Bise Presidente Jojo Binay (41.3%), dating Quezon City Mayor Herbert Bautista (34.5%), dating Senador Jinggoy Estrada (33.7%); at Sen. Joel Villanueva (32.4%).
Nangungunang party list ay ang ACT-CIS na may 8.23%; Ako Bicol (6.15%; An Waray (6.13%);Gabriela (4.76%); A Teacher (4.55%); 4Ps (3.12%); 1-PACMAN (2.97%); Ang Probinsiyano (2.81%); AGAP (2.72%); Senior Citizens (2.68%); Bayan Muna (2.57 %) at Magsasaka (2.43%).
Ang “RPMD Boses ng Bayan 2022 survey” ay isang non-commissioned poll na isinagawa mula Marso 15-22, 2022, na may 10,000 rehistradong botante.