Oil price hike muli, nakaamba diesel at kerosene tataas ng P8 kada litro

MANILA, Philippines — Muli na namang aasahan ang pagkakaroon ng pagtataas sa presyo ng mga produktong diesel at kerosene na aabot hanggang P8 kada litro sa susunod na linggo.
Ito na ang ika-12 oil price hike na magaganap sa bansa sa loob lamang ng 13 linggo.
Batay sa pagtaya ng mga industry players, ang presyo ng diesel ay tataas ng P8 hanggang P8.15 kada litro habang ang presyo ng kerosene ay madaragdagan naman ng P8.05-P8.15 kada litro.
Ang gasolina naman ang magkakaroon ng pinakamababang pagtaas ng presyo sa susunod na linggo, na aabot lamang sa P3 hanggang P3.15 kada litro.
Matatandaang inaasahan na ang pagtaas ng global gas prices dahil sa giyerang nagaganap sa pagitan ng mga bansang Russia at Ukraine.
- Latest