MANILA, Philippines — Pinangunahan ni District II Councilor Mikey Belmonte ang konstruksiyon ng isang Multi-Purpose Hall sa Nagsaka Block 2, Barangay Batasan Hills, Quezon City sa layuning mas higit pang mailapit ang pamahalaan sa publiko.
Naging posible ang proyekto sa tulong at suporta ni Senator Christopher “Bong” Go, at ng mga barangay chairman na sina Maning Co, Manny Guarin, Jojo Abad at Willy Cara.
“It shall serve as a venue for the delivery of government services, for us in City Hall to bring the City Government closer to our constituents,” ayon kay Belmonte.
Dagdag pa ng konsehal, magbebenepisyo rin sa proyekto ang senior citizens at persons with disabilities (PWDs) dahil magiging mas madali na para sa kanila ang pakikipag-transaksiyon sa lungsod.
Nabatid na ang naturang Multi-Purpose Building ang magiging venue para sa government meetings at mga aktibidad, at tanggapan na rin kung saan ang mga peoples organizations ay maaaring mapalakas sa pamamagitan ng kinakailangang capacity building interventions.
Kumpleto ang nasabing mga gusali na magkakaroon ng mga hall at restrooms na maaaring gamitin sa panahon ng mga pagpupulong. Mayroon din itong malaking reception area upang matiyak na may sapat itong kapasidad para ma-accommodate ang publiko.
“Aside from the Nagsaka Multi-Purpose Hall, I would also like to announce that there are also plans underway for the construction of eight more Multi-Purpose Buildings to be located within District II, sites have already been identified in Brgys Batasan Hills, Payatas, Commonwealth, and Bagong Silangan,” pahayag pa ni Belmonte.